Miyerkules, Pebrero 28, 2018


Isang malaking problema sa Pilipinas ay ang kahirapan . Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.





Hindi lahat ng mahihirap ay tamad . Ang ibang mahihirap na Pilipino ay may mas malaking potensyal kaysa mayayaman pero hindi sila makapag-aral ng mabuti dahil sila ay may limitadong pag-akses sa kalidad na edukasyon na magagamit sa mga lugar kung saan sila nakatira at trabaho . Pumapalya o mababa ang kinikita ng kanilang mga magulang na hindi maaaring masuportahan ang mga gastos ng paaralan pagpapalista, uniporme at proyekto sa eskwelahan.









Hindi lahat ng tao ay may opurtunidad sa buhay kasi hindi nila mapipili kung ano ang binigay ng Diyos gaya ng pamilya, pag-aari, lalong-lalo na ang mga bata . Kaya wag sayangin ang opurtunidad ibinigay ng iyong pamilya at ang Diyos kasi may maraming tao na nagkulang sa buhay nila.






reperensiya: http://chinee-blogkoto.blogspot.com/p/kahirapan-sa-pilipinas.html?m=1

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento